Monday, October 19, 2009

Di Mo Na Mababawi

Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi

Nakatanim pa sa'king ala-ala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin

'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Nasa aking guniguni malamig mong tinig
Kasabay ng hanging na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid...




Di ko na nga mababawi...

No comments:

Post a Comment